That’s the spirit! (Taken with Instagram)
That’s the spirit! (Taken with Instagram)
Nasagi ng motor. Aruy. Buti galos lang. Muntik muntikang makaladkad. :p (Taken with Instagram)
Magandang hapon po at welcome sa aking programang, Oh Babe, Isang Sagot mo Lang. Ngayon araw na ito ay tutumbukin po natin ang sagot sa katanungan ng ating letter sender. Itago na lang po natin sya sa pangalang Lily Panti-Cheesecake. Ito po ang kanyang maikling liham:
“Hi babe! Favor po.. Pag di ka na busy, pwede pasend ng procedure ng pagluluto ng masarap na caldereta mo? Nalimutan na kase namin eh.. Hehehe.. Tenchoo!”
Salamat sa iyong maikling demand, este, liham Ms. Panti-Cheesecake. Una sa lahat lilinawin ko lang na:
1. May talent fee na kapag inulit.
2. Caldereta ko? Masarap?? Hehehe napaisip ako :)
Anyway, due to public demand, eto ang aking recipe ng
“THE CONTROVERSIAL CALDERETA: ROOM 305 STYLE”
Sa paggawa ng napakasarap na caldereta, syempre ang una nating gagawin ay mamalengke muna. Doon ay magdesisyon ka kung anong karne ang iyong pipiliin, spare ribs ba ng pork? Pitso ng pork ba or joyce?
Then magtira ng pamasahe at umuwi ka na sa inyo.
Ihanda ang mga sumusunod.
Pinitpit na bawang.
Kinalantaring sebuyas (pino)
Hinalay na karne (hinugasang mabuti)
Pamintang durog
1 pirasong labuyo
Toyo
Kalamansi
Knorr joyce (mas malasa kasi)
Maggi savor
Patatas
Carrot
Bell pepper
Reno (liver spread)
Minassacre na kamatis
Purong gata
Laurel
PAGMAMARINATE
1. Lamasin ang karne sa toyo (tantyahin wag masyadong maraming toyo baka ubuhin), pamintang durog (wag masyadong marami baka mabahin), knorr joyce, kalamansi, konting asukal at sili.
2. Hayaang nakababad hanggang kinabukasan.
3. Matulog muna, wag excited.
PAGHAHANDA NG SANGKAP
1. Hubaran ang mga gulay na dapat hubaran. Habang ginagawa iyan, bahagyang iihaw ang bell pepper.
2. Chop chopin ang patatas, carrot at bell pepper. Massacrerin na rin ang kamatis.
PAGPAPAPALAMBOT NG MATIGAS
1. Ihanda ang pressure cooker. Kung medyo nagdarahop, magkaserola na lang.
Ang ituturo ko ay pangpressure cooker. (Gusto ko pangmayamang version)
2. Ilagay ang nakaref na karneng binabad, ilagay ang kamatis at isang laurel.
3. Lagyan ito ng tubig na mga dalawang baso na katamtamang laki.
4. Pakuluan. Ipressure. Pag nagsimula nang pumito, ooops. Violation!!! Akin na lisensya mo! :))
5. Bilangan ng mga 10-12 minutes (ang bilang na ito ay para sa matigas na karne).
6. Pag ok na, buksan ang pressure cooker! BABALA: ang pressure cooker ay Rated SPG. Ito ay naglalaman ng marahas na pressure, kung bubuksan agad, masasabugan ka!!! Kaya pasingawin muna.
7. Pag wala ng pressure, yehey! Pwede na tayong maggisa.
PAGLULUTO
1. Sagapin ang lahat ng mantika sa ibabaw ng pinalambot na karne. Gagamitin natin ito sa pagpiprito ng patatas at carrot.
2. Dahil naprito mo na agad-agad, maggigisa na tayo ng bawang at sebuyas. Siguraduhin lantang lanta at lamog na lamog na ang sebuyas sa kagigisa. More sebuyas, more chances of winning :) mas maraming sarsa ang kakatas!
3. Ilagay ang karne… I-set aside muna ang pinagpakuluan.
4. Igisa o isangkutsa sa low fire hanggang sa humalimuyak ito. Sige, tagalan mo pa, dagdagan mo pa ng mantika… Ahhhh sige pa halo paaaaa…
Oh wag maglaway, hindi pa luto!!
5. Lagyan ito ng patis, wag masyadong marami ha? Di baleng kulang wag sobra.
6. Lagyan ng Maggi Savor.
7. Simmer for 3-5 minutes :)
8. Ilagay ang sabaw. Wag tatakpan para mabuild ang pagiging sarsa nito. Mas natutuyo sya mas masarap. (Laway mo uy!)
9. Ilagay ang patatas, carrot.
10. Kung kailangang magdagdag ng tubig, sige lang. Pero pakonti-konti lang ang dagdag para di masira ang lasa nito. Ang low fire cooking din ay mas nakakapagpasuot ng lasa sa kaibituran at kaloob-looban ni baka. :)
11. Pag nabuild mo na ang sarsa at lasa, lagyan ito ng kaunting mantikilya, keso, ilagay na rin ang bell pepper, reno.. Haluin.
12. Ilagay ang gata. Tikman. Pag ok na sa panlasa mo, isalin na sa lalagyan.
Mapupuna mo na ang niluto mo ay kumikinang sa mantika, ok lang yan, ganyan tlga ang sikreto ng de sarsang ulam. Pampabata yang kumikinang na yan! (dahil hindi ka na tatanda hehehe)
Oh, hindi ka pa pwedeng kumain. Hayaan mo munang lumamig ang ulam sa room temperature. Mas mabibuild ang lasa nya. Hayaan mo munang lumaglag ang panga nilaaaaaaaaaaang lahaaaaaat! :D
Nakapagsaing ka na ba?
Oh eh ano pa? Kainan na!!! :))
Sana ay nakatulong ako sa iyong masayang karanasang pangkusina. Tandaan, kapag masaya kang kusinera, masarap din ang iyong handa. Hanggang sa susunod na gusot na nangangailangan ng lusot dito sa:
“Oh babe isang sagot mo lang”.
Don’t forget to visit “Macky’s” kapag pupunta ka sa Marikina. They offer very affordable almusal ala merienda meals na sulit sa delicious taste nito. Lalo na tong goto ay naku suuuuuuuuper sarap! Grabe. Near Marikina Palengke. (Taken with Instagram)
NAAMAZE TALAGA ako nung bumisita ako sa Marikina. Malinis at Disiplinado sila. For sure ilang araw lang makakabangon sila mula sa hagupit ng habagat. (Taken with Instagram)
BAGONG GUPIT O GAGONG GUPIT?? Too late to notice na hindi pareho ang pagkakatabas ng patilya ko!!! Huhu ang layo pa nmn ng pinagupitan susmaryonezzzz!!! (Taken with Instagram)
FRESH FROM CAMBODIA! Thank you @dharmacrisis for these super advance lovely birthday gifts! 😍😌☺ (Taken with Instagram)
Cheesecake ceremony :) (Taken with Instagram)
Go! Kare-kare! Go! Lenggua! Go!!! (Taken with Instagram)
Pangkaraniwan lang tong Magnum nung nasa Singapore ako. Dinededma ko lang. Pero aba dito sa Pinas, parang bigdeal kapag nakapag-Magnum??? Naiintriga ako, matagal na. Well, matikman nga for the first time! Haha salamat @dharmacrisis (Taken with Instagram)
Then Crema de Mangga for dessert! Yum (Taken with Instagram)
My breakfast is in dinner time. Kain po :) (Taken with Instagram)
At sinamahan pa ng kusilbang saging! Ang kulit tlga. Padala ng padala. (Taken with Instagram)
Chicken with pork & beans. Pagkaing ibinigay ng aking kuya :) kain na (Taken with Instagram)
Paalam sa aking itay mula 1992-2003 sa Home Along Da Riles. (Taken with Instagram)